Bago naging sundalo sa Union Army noong Digmaang sibil sa U.S. si Joshua Chamberlain ay isang tahimik at mapagpakumbabang propesor sa isang kolehiyo. Sa init ng labanan, naging bayani siya sa pagpapanatili ng hanay ng mga sundalo sa Little Round Top sa Digmaan ng Gettysburg. Siya ay nagawaran ng pinakamataas na karangalan ng Congressional Medal of Honor ng matapos ang digmaan. Bilang pagkilala sa nagawa ni Chamberlain sa tagumpay ng Union Army, pinili siya ni General Ulysses S. Grant para tumanggap ng unang bandila ng pagsuko ng kalaban sa Korte ng Appomattox. Ang mga natalong sundalo ay nag-akalang sila' y lilibakin at aapihin. Ngunit sa halip, si Chamberlain ay nagpakita sa kanila ng kabaitan at paggalang. Dahil dito isinulat ng isang nakalabang sundalo sa kanyang talambuhay na si Chamberlain ay " isa sa pinaka-kagalanggalang na sundalo ng Federal Army. Bilang isang Cristianong nakatalaga ang buhay kay Cristo, nakita kay Chamberlain ang biyaya ni Cristo. Dapat tayong manindigan sa ating pananampalataya, ngunit dapat mabuti rin sa mga sumasalungat sa atin. Tulad ng paalala ni Pablo kay Timoteo, " Gaya ng mabuting kawal ni Cristo... maging maamo sa lahat, mahusay magturo, matiyaga, tinuturuan nang may kaamuan ang mga sumasalungat". (2 Tim.2:3- 24-25).Sa pag-aaway man o pagkakasundo, dapat makita sa ating tugon ang mapagbiyayang puso ng isang sundalong kagalang-galang ni Cristo--- Dennis Fisher. Maytulad kay Cristo kay buti, mahinahon, pakumbaba sa isip at puso nawa' y matulad sa Kanya sa araw-araw ng buhay, at sa Kanyang Espiritu ako ay mapuno--- Ellsworth. " Walang mas Maharlika at Marangal pa kaysa Kabutihan at Katotohanan" .----- to God be the Glory..
Recent comments
13 hours 18 min ago
3 days 11 hours ago
6 days 18 hours ago
1 week 1 day ago
2 weeks 2 days ago
2 weeks 5 days ago
3 weeks 6 days ago
5 weeks 4 days ago
5 weeks 5 days ago
8 weeks 1 day ago