Ang mga tao sa Jamaica ay nababahala sa tumataas na bilang ng mga krimeng pagpatay sa bansa nila. Naging masigla ang debate ng mga mamamayang naghahanap ng solusyon. Madalas na dalawang opinyon sa mga sulat sa editor ng isa sa kanilang diaryo ay ganito: Sabi ng sumulat,"Hanggang ang ating mga iskolar...mga opisyal ng gobyerno ay seryosong magsikap na sagutin ang mga tanong tungkol sa problema natin, madilim ang hinaharap ng ating bansa. May isa namang nagsabi, Panahon na para harapin ang pinaka-ugat na dahilan kung bakit nagkaka-problema ng ganoon kalubha--- idulog ito hindi sa Ministro ng Seguridad ng bansa, kundi tanging sa Diyos lamang." Isang Problema, Dalawang Pananaw. Isang Sekular (labas sa relihiyon) na batay sa karunungan lamang ng tao, o isang maka-Diyos na paraang depende sa Panginoon at sa mga nagmamahal sa Kanya. Pareho nating kailangan ang dalawang ito: ang itinakda ng Diiyos na sistema ng gobyernong nangangalaga sa mga tao. (Roma 13: 1-7) at mga taong may mga tamang pananaw at paninindigan sa Diyos at sa mga alitutunin Niya para sa ating buhay. (Kaw.14: 33). Saan man tayo naninirahan, dapat ipanalangin ang mga namamahala sa ating gobyerno, hilingin sa Diyos na patnubayan sila, At tayo ay kumilos din at ipanalangin na ang bawat indibidwal,-- isa--isa-- ay makita ang pangangailangan nila kay Jesus at kanilang pagdepende sa Panginoon. Sa pagsasama ng dalawang Pananaw, may pagbabagong magaganap--- Dave Branon- Laging madali ang magreklamo na gobyerno natin ay walang katarungan Ngunit sabi ng Salita ng Diyos tayo'y magpasalamat at ating ipanalangin ang ating pamunuan---Hess-. Sa pananalangin ang pampublikong katungkulan ng isang bansa ay nagiging pampribadong katungkulan ng Kristiyano. --" Ang bawat tao ay magpasakop sa mga namamahalang otoridad."(Roma 13:1). -----SALITA ang BUNGA ng ESPIRITU ay PAG-IBIG, KAGALAKAN.
Recent comments
1 day 9 hours ago
1 week 3 days ago
1 week 6 days ago
1 week 6 days ago
2 weeks 2 days ago
2 weeks 6 days ago
3 weeks 1 day ago
3 weeks 1 day ago
3 weeks 6 days ago
5 weeks 22 hours ago