“Gloria Salamankera, Kapit-tuko sa Posisyon”

donna_quintana's picture

OPISYAL NA PAHAYAG

“Gloria Salamankera, Kapit-tuko sa Posisyon”

PIGLAS-TUGON Internasyunal
Komite Sentral
21 Abril 2010

Muli na namang umarangkada ang kawalanghiyaan ni Gloria Macapagal-Arroyo ng italaga nito ang isa sa kanyang mga masugid na alagad para maging kahalili ni Chief Justice Reynato Puno bilang Punong Mahistrado ng nabubulok na Korte Suprema ng Pilipinas. Malinaw na kinukubabawan ng kasamaan ang pangkalahatang motibo ng kasalukuyang rehimen para panghabang-buhay na manipulahin ang pambansang pamunuan. Sapilitang itinalaga ng pekeng-pangulo ang kanyang mga kasapakat para kontrolin ang maseselang posiyon sa pasistang AFP/PNP. Gayundin, gumawa si GMA sampu ng kanyang mga tiwaling alipores ng mga Partylists na hindi naman tunay na nagmula sa “marginalized sector” ng ating lipunan. Ang Hudikatura, Kongreso, AFP/PNP, COMELEC at iba pang ahensya ay pinamumugaran na mga “tuta” ng rehimeng US-Arroyo na lantarang ipinagkakanulo ang interes ng sambayanan!

Ang pagtalaga ni Gloria sa bagong Punong Mahistrado ng Korte Suprema ay labag sa ilalim ng batas (Art. VII, Section 15 ng 1987 Philippine Constitution at Section 261 ng Omnibus Election Code). Bukas na sekreto na ang mayorya sa mga mahistrado ay personal na itinalaga ng pekeng-pangulo kung saan ang kredibilidad ng hudikatura ay malaon ng naglaho. Ito ay lantad na preparasyon para sa posibleng pagluklok sa kanya bilang Punong-Ministro ng bansang walang-awa niyang niluluray at pinagsasamantalahan. Said na ang dugo ng bayan. Naghihingalo na ang taumbayan!

Si Gloria ay tila iniwanan na ng konsensya, katinuan, moralidad at kahihiyan. Sa kabila ng hindi mabilang na iskandalong kanyang kinasasangkutan, imbes na magpakumbaba at magbago ay lalo pa nitong inaabuso at hinuhuthutan ang masa. Halos bumula ang bibig nito sa pagdalahirot sa kaban ng bayan. Labis-labis ang pagkukumahog at animo’y gahamang salamangkera sa pagmamaniobra para baluktutin ang batas. Walang duda, siya ang pinakamalupit na sumpa at sugo ng demonyo sa Pilpinas!

Analisahin ninyo ito: Bakit si Gibo Teodoro halos walang ads sa TV at radio? ConAss, Cha-Cha, Energy Crisis habang papalapit ang eleksiyon, Failure of Election, Military Junta para mailuklok muli si Gloria? Ahhh, malaki ang posibilidad hangga’t patuloy ang pagmamaniobra at kapit-tuko sa posisyon ang pekeng-pangulo!

Ang PIGLAS-TUGON, mga alyadong progresibo at makabayang organisasyon ay kapanalig ng masa’t sambayanan sa paglaban sa lahat na uri ng katiwalaan.

Para sa bayan,

Donna Quintana
Tagapagsalita, Komite Sentral
Email: donna_quintanapti@yahoo.com

eh kasi naman

Eh kasi naman wala pa nga nagrereklamo ka na..

Sabagay trademark ninyo pala iyan.

sabi ni gloria lahat naman

burabud's picture

sabi ni gloria lahat naman daw.

ginalingan nya lang ng todo.

may naitalaga na bang kapalit

may naitalaga na bang kapalit ni Chief Justice Puno? Sino po?

Pekeng Pangulo

ilaya's picture

Kawawa ang Pilipinas sumasadsad sa pandaigdigang katayuan dahilan sa kapalpakan ng pekeng Pangulo. Pero ano nga ba ang magagawa ng isang pangulong hawak sa leeg ng Militar na nahostage na dahilan sa pinagkakautangan at kinakapitan para manatili sa pwesto ng kapangyarihan? Malaking sampal sa mga kapitagpitanggan matatalino ng bayan kung bakit mga retiradong heneral ang halos nakapwesto sa pamahalaan ng pekeng Presidente lahat nakapoder dahil bayad utang ng pekeng Pangulo. Bantayan lalong pinatibay ng pekeng Pangulo ang paghahanda para makapanatili sa poder. Ang pagtalaga ng mga tuta sa mataas na pwesto sa Military at Korte Suprema. Wala na talagang delikadesa tumakbo pa para congresswoman sa hangaring baguhin kasama ng mga alipores ang constitution para maging Prime Minister. Maaring maraming maniobra failure of election ng Comelec , Military Junta o Holdover pekeng Presidente. Lahat labag sa saligang batas kaya bayan dapat magkaisa upang tutulan ito. Huwag sanang pagamit ang ating mga tunay na bayaning militar sa mga Heneral na tuta ng pekeng Presidente para manatili sa pwesto. Tuparin ang sinumpaang tungkulin ipagtanggol ang saligang batas at bayan. Para sa tunay na kaunlaran at kapayapaan at pagkakaisa huwag hayaang manatili sa pwesto ang pekeng Presidente. Tama na!!! Sobra na!!!