Marami na ang lumisan
Marami na rin ang dumaan
Ngunit may isang araw
Ika’y dumating sa ‘king buhay
Sa mundong puno ng pagdaramdam
Problema ko’y sa’yo ipinaalam
Maging ang aking pangarap
Ay ipinaalam sayong lahat
Ikaw ang gumabay
Lakas ng loob sa aking buhay
Panahon man ang lumipas
Alam kong hindi ito kukupas
Buong puso akong nagpapasalamat
Sa mga tulong na natanggap
Iminulat mo ang aking mata
Upang lalo ko pa Siyang makilala
Ngayon ay nalilinawan
Ang puso ko’t isipan
Huwag madaliin ang isang bagay
Kailangan itong paghandaan
Salamat saiyo aking kaibigan
Tumatatag ang aking kalooban
Salamat din kay Bro
Sa pagbibigay sa’kin ng isang tulad mo!
Recent comments
1 day 1 hour ago
1 day 8 hours ago
2 days 45 min ago
2 days 3 hours ago
2 days 4 hours ago
2 days 12 hours ago
2 days 12 hours ago
3 days 1 hour ago
3 days 2 hours ago
4 days 9 hours ago