"BUHAY"

john_torres's picture

“BUHAY”
Ni: John Torres

Kawangis ng kandila buhay mo kapatid,
Nagbigay luha’t liwanag sa ating daigdig,
Matapos mailuwal at magbigay pag-ibig,
Maglalahong-bula ang awit mo at himig.

Ika’y kastilyong buhangin sa dalampasigan,
Sa lakas ng alo’t unos pisngi mo’y nahagkan,
Kung ika’y suwail sa Diyos walang paggalang,
Ika’y muling babalik sa lupang pinanggalingan.

Katulad mo ay bulaklak sa hardin ng Eden,
May iba’t ibang talulot at gandang angkin,
Ngunit ika’y sinisira ng uod na mainggitin,
Tangkay ay pinutol at buhay mo’y inangkin!

Ang buhay ay tulad rin nang tula ng makata,
May lambing at indayog sa harpa at gitara,
At sa bawat pagbigkas sa iyong mga talata,
Unti-unting nalalapit ang wakas ng simula.

O buhay, katulad mo ay sanga-sangang daan,
May madilim, masikip, liko-liko at maluwang,
Ngunit kung ang buhay mo sa Diyos ay laan,
Ang buhay mo ay tunay, walang kamatayan!

OMG! Such a nice poem

amore's picture

John,

Ito ang pinakamagandang tula na nagawa mo sa pakiwari ko..it reflects our life with GOD, yong communication natin sa KANYA.

Faith is a gift of God. Without it there would be no life. And our work, to be fruitful, and to be all for God, and to be beautiful, has to be built on faith — faith in Christ, who has said, “I was hungry, I was sick, and I was homeless, and you ministered to me.” kaya kung anuman ang mangyayari sa ating buhay.. Si GOD lng ang nakakaalam.. and I know GOD will never leave us... aabutin tayo ng kanyang mga kamay.. basta kumapit ka lng...

Thanks for another inspiring poem. Keep up the good work.. ISa mo akong taga hanga...

Regards,
AMore

"Study nature, love nature, stay close to nature. It will never fail you if you will not destroy the nature"