BAYBAYON (THE SON OF A BEACH)

Formatted by dave

Nakaabot na ako kung saan saan na mga lugar pero di ko makalimutan kung saan ako pinanganak lalo na ang baybayon. Sabi ng mga magulang ko dito sila nag nagligawan, nagsumpaan, bumuo ng mga pangarap at dito rin sa tabi ng baybayon itinirik ang aming bahay. Dito rin ako nabuo at nagkaisip. Natatandaan ko pa maliit pa ko paglabas ng bahay ay makikita mo agad ang lawak ng tubig dagat, ang pagsikat ng haring araw, ang isla sa harapan, sa bandang kaliwa ang mahabang baybayon papunta ng sabang at pagtingin ko sa bandang kanan makikita ang mahabang baybayon pa rin na hinahati ng maitim na buhanginan na kung tawagin sa amin ay "amargaha" bago ka makarating ng batuhang lugar na may malaking bundok. Sa bandang likuran ay ang lawak ng aming baryo sa likuran may malaking ilog na syang nagpapatubig sa malawak na taniman ng palay. Sa bandang gilid makikita mo ang malaking bundok na natataniman ng mga kahoy at mga niyog. Sa bandang kanan ay makikita mo ang hangganan ng ilog dito nagtatagpo ang tubig tabang at tubig alat kung tawagin sa amin ay "suba" na may malalaking tanim ng mangroove at nipa. Dito rin ang malalawak na palaisdaan na pagaari ng aking mga lolo.

Natatandaan ko pa nung maliit pa ako. Paggising ko sa umaga paglabas ng bahay ay maapakan ng wala kung sapin paa ang buhanginan. Babaybayin ko na ang lawak ng buhanginan papuntang kaliwa habang namumulot ng shell at mga kung ano- anong mga bagay na ipinapadpad galing sa laot. Dito rin ako naglalaro ng mga kapwa ko bata na nakatira sa lugar din namin. Madalas naming nilalaro ay ang mkipagpatintero sa malalaking alon na humahampas sa dalampasigan, gagawa ng bolang buhangin at pag uuntugin kung kanino ang di mabasag ay siyang panalo, gumagawa rin kami ng korte sa buhangin madalas ay malapit sa hinahampasan ng alon at kung kanino ang masira agad talo. Pag medyo napagod n kami sa kalalaro. Magaalis na kami ng aming mga kasuotan at lulusong na sa tubig at doon uli magsasabuyan ng tubig, magaaral lumangoy, pagsisid ng pabilisan at lahat na halos ng laro na maisipan naming gawin. Di pa kami titigil kung hindi pa ka kami susunduin ng aming magulang na kadalasang panakot ay palo kapag di ka aahon.

Nagsimula na kong pumasok sa eskuwelahan pero ang baybayin pa rin ang lagi kung puntahan lalo na pag me nakaaway ako sa aking mga kaklase hinahamon ko doon sa baybayin at doon kami nagsusuntukan. Napanday ang katawan ko ganoong mga situwasyon. Maganda lang kasi noon ang baybayin ang ginagawang ringside namin pag me mga naghahamunan ng away. Kalimitan mga bata nagsusuntukan, sipaan tadyakan at wrestling. Me tagaawat kung gulpi ka na pwede kang umayaw at pagkatapos ay pagbabatiin kayo. Minsan me return bout pa nga. Dito ko rin naranasan at matikman ang magulpi ng kambal na hinamon ko ng suntukan. Halos sarado ang dalawa kung mata, halos mawalan ng malay at bugbog sarado ang katawan ko.

Pag araw ng sabado at linggo sa baybayin pa rin ang laruan ko. Gagawa ako ng lubid na yari sa hibla ng abaka na may ring sa dulo. Ipapasok ko yun sa mga butas sa baybayin at presto makakahuli ako ng mga maliit na crabs nakung tawagin sa amin ay "gukoy". Pag maputi ang sya puwede syang ihawin at kainin. Pag medyo may kulay na lalo na kung violet at yellow di sya kinakain ginagawa ko lang laruan. Tinatalian ko at pinahihila ng sanga ng kahoy, pinapag away ko sa pamamagitan ng kagatan, ginagawa kung pets at kung ano ano pang maisipan kung gawin. Pag napagod ako at medyo nagutom maghahanap ako ng bunga ng pandang hinog na sya kung kinakain at minsan sinasabay ko sa nahuling inihaw na gukoy. Pag medyo low tide sa gilid ng tubig at buhangin naman nangunguha ako ng shell na kung tawagin sa amin ay "bogetes" maliit sya at puti ang kulay na pag kinahig mo ang buhanginan sa pamamagitan ng dalawang paa o mga kamay ay marami nakikita. Kadalasan sa mismong suot kung damit nilalagay ang mga nakuha. Dadalhin sa amin hugasan at ilagay sa kawali at lagyan ng maraming sabaw timplahan ng asin at vetsin at presto me ulam na kami at sinabawan masarap lalo na hahaluan ng puting bihon.

Sa gilid lang ng baybayin marami akong nakukuhang pagkain. Lalo na sa may batuhan una ay yung tinatawag sa ming "karasakas" eto ay kahalintulad ng talangka itim ang karaniwang kulay nasa batuhan karaniwang makikita. Masarap siyang kainin lalo na pag hinalo sa gata. Sa ilalim ng batuhan makikita mo ang mga "taktakon,sihi, ik-ik, sese, at kung anu ano pa na kung iisa-isahin ko kulang ang espasyo ng column na eto.
Natatandaan ko malapit na kong mag grade IV tinuruan ako ng tatay kung mamingwit nakatayo sa buhanginan at kung minsan ay nakatayo sa may batuhan gamit ang mahabang payat na kawayan na may tali ng tansi na may dalawang taga sa dulo. Eto na ang ginawa kong libangan pag alang pasok sa paaralan. Bukod kasi sa libangan me ulam na kami at pag maraming huli naibebenta ko na sya kung ginagawang baon pagpasok sa iskuwela. isinasama na rin ako ng tatay sa paghahatid ng mga maninisid sa laot at sa mga kalapit na isla pwedeng hulihan ng isda at mga sea lobster (banagan at kupapha yun ang tawag sa amin). Umaalis kami ng bandang alas 6 ng hapon pagkatapos maghapunan sakay ng bangkang de motor na may katig at 16 HP na makina sakay ang mga maninisid na armado ng mga pana at flashlight.
Pagkatapos naming maikalat ang mga maninisid umuuwi n kami o kaya ay dun na rin kmi matutulog sa mga dalampasigan ng isla. Masarap sumama kasi bandang hatinggabi aahon ang mga manininisid at lahat halos ng huli hanggang mapuno ang malaking kaldero lalagyan ng pinaghalong tubig dagat at tabang at lulutuin ng walang ibang rekado kundi pinaghalohalong isda lamang. Me dala rin kaming bigas at tubig tabang na niluluto ng tatay ko gamit ang mga kahoy na napupulot sa paligid. Pagkatapos kumain nagpapahinga lang ng konti at balik uli sa pagsisid ang mga maninisid. Ako naman matutulog sa buhanginan at bandang alas tres ng madaling araw sinusundo na namin ang mga maninisid bago pagputok ng araw ay nasa baybayon na kami at andoon ng nanay ko nakaabang at me dalang baskola na syang pagkikilohan ng mga huling banagan at kupapha. Ako naman uuwi na at maghahanda sa pagpasok. Kung walang pasok sumasama ako sa tatay sa pagdedeliber ng mga napamiling mga sea lobster sa kalapit na bayan. Minsan me pasahero kami at yung bayad sa akin napupunta. Pag-uwi namin sakay ulit ng bangkang de motor karga ang mga panindang nabili ng tatay ko kasama ang maraming styrofoam na may lamang malaking bloke ng yelo na may ipang nakapaligid para di matunaw kaagad. Iyon lagi ang routine ko. Maliban na lamang kung masama ang panahon walang pumupunta sa laot.
Tuwing masama ang panahon iniaahon namin ang aming bangka sa dalampasigan at nilalagyan ng tali. Saksi ako sa malalaking alon na humahampas sa baybayon minsan pa nga nakatuwaan pa naming mga bata ang maligo. Sinasalubong namin ang malalaking alon sa pamamagitan ng pag dive tuwang tuwa pa kami kahit halos ibalibag kami sa buhanginan. Bihirang bata sa amin ang di marunong lumangoy.
Ang baybayon din ito ang unang saksi sa aking unang pagibig. Dito ko sya niligawan habang nakaupo kami sa isang kaskong nakataob. Dito rin mismo kami laging nagtatagpo nag uusap at bumubuo ng mga pangarap lalo na tuwing lumalabas ang maliwanag ng buwan. Dito ko rin natikman ang unang halik. Kaya lang pagkagradweyt namin ng grade VI umalis ang pamilya nya sa bayan namin at sa Maynila nanirahan. Dito ko rin siya inihatid ng tanaw habang papalayo ang bangkang maghahatid sa kanya papunta sa bayan. Di na ko sumama di ko kasi mapigilan ang maluha at ayokong makita nya yun. Isinumpa ko sa sarili ko na susundan ko sya.
Ilang araw lang nakalipas noon dumating ang isang malakas na bagyo sa lugar namin ang baybayon binayo ng malalakas na alon at hangin. nagsalubong ang tubig alat at tabang. Maraming bahay ang inanod kabilang na yung sa amin. Lumikas kami non sa ligtas na lugar. Matapos ang bagyo nakita ko halos haligi na lang ang natira sa bahay namin at ang bangka namin na nakatali sa baybayon ay wala na. Ang baybayon ay lumaki inabot ang isang kalye ng baryo. Ganun pa man wala kaming nagawa kundi gumawa ulit ng bahay kaya lang mga 50 meters na ang layo sa baybayon. Nagpaalam ang tatay ko na pupunta sa maynila at sa mga kapatid at kamaganak sa maynila para umutang at makahanap ng panimula namin. Inihatid namin sa baybayon sakay ng ibang bangka na maghahatid sa kanya sa bayan. Iyon na ang huling kita ko sa tatay. Walang nagawa non ang nanay ko kundi iprenda ang ang lupang sakahan namin at gawing colateral ang nyugan namin para matapos ang pagpagawa ng bahay at makautang sa KKK (kilusang kabuhayan at kaunlaran) para makagawa ng isang bangka. Ako naman noon nagpatuloy ng pagaaral ng hayskul kasi pumasa ako sa pagsusulit at naging iskolar ng COCOFed (coconut federation). Noong una patulong tulong ako sa negosyo ng nanay kalaunan ako na rin mismo ang nagpapatakbo ng bangka na siyang naghahatid sa mga maninisid sa laot para manghuli ng banagan at kupapha. Mahirap ang naging buhay ko aral sa umaga at hatid sundo ng mga maninisid. Saksi ang baybayon sa paroo't parito ng bangkang pinagkukuhanan namin ng ikinabubuhay. Dito na rin ako halos natutulog sa buhanginan sa pagbabantay sa bangka kasi medyo malayo na ang bahay namin sa pampang. Dito rin ako natuto ng ibat-ibang hanapbuhay lalo na ang panghuhuli ng isda sa malawak nitong honasan. Nakatapos ako ng hayskul gradweyt as salutatorian. Nagpaalam ako sa nanay para makapag aral sa Virac dahil ayoko ng palagi ng ganoong buhay at kahit paano maitaas ko ang antas ng pamumuhay namin. Di ako pinayagan bakit pa raw ako magaaral me sarili naman daw akong hanapbuhay at sino ang magtutuloy ang iiwanan ko. Ganun pa man ako pa rin ang nasunod lumayas ako sa amin nagbenta pa ko ng isang kalabaw at dala ang konti kung naipon lumuwas ako ng maynila.

Hanggang dito muna nobela na kasi itong sinusulat pasensya na.
pero Kung gusto nyo pwede kung dito isulat ang aking talambuhay ay yun ay kung papayagan ninyo. Salamat sa nagbigay sa akin ng pagkakataon maisulat sa forum na ito.

dasi dasi - an

bahi's picture

habang piga basa ko toyan baga ko nakahigda sa sa iga dasi dasi- an. ona pwede man siguro na isurat mo na gabos ta ona labo na ako to. maurag boy yo pagka hurad mo nintong surat mong to-o. pagka prinesko baga man sana yo isda na iga luto nyo alas tres ning ma-aaga. nagigilomdoman ko yo mga pangilaw namo ninyo mga panahon. ona gaka-on man kami to ning kupapha. kaya sige sana.

baybayon

adin's picture

hi jerry, kong di ako ngkakamali ng hula, dito sa lugar na ito din ako ipinanganak pero sa bayan na ako lumaki. Taga dito mga lolo't lola ko. Every summer bumabalik ako sa lugar na ito lalo na pg fiesta. San isidro ang santo ng lugar na ito. Kapag naaalala ko ang lugar na ito unang naiisip ko yong mga prutas na pinipitas namin sa likod ng bahay ng grandparents ko tulad ng bayabas, kayomito, santol, atis at higit sa lahat yong langka na namumunga sa ilalim ng lupa. One day gusto kong bumalik sa lugar na to kasama anak ko.