Balitang Panlalawigan

KRISZLE_TEOPE's picture

BALITANG PANLALAWIGAN
Lalawigan Ng Catanduanes
Nobyembre 7, 2009

1. Provincial Tourism Office Nagkaroon Ng Salu-salo

Masaya ang naging salu-salo na dinaluhan ng mga bisita, kasama na ng mga kilalang personalidad sa media sa nakalipas na pagtitipon noong ika 5 ng nobyembre sa Rakdell Inn, Virac. Ito ay inihanda ng Provincial Tourism Office sa pangunguana ni Tourism Officer Carmel Garcia at Provincial Governor Joseph Cua. Ito ay pagbibigay salamat sa mga tumulong at sumuporta sa nakalipas na Catandungan Festival noong Oktubre. Bawat organisasyon ay pinarangalan ng Certificate of Appreciation and Participation na iginawad ng Provincial Tourism Office. Makikita sa nasabing pagtitipon ang mga representante mula sa mga Government and Private Offices, mga miyembro ng Red Cross, PIA Head Edna Bagadiong, DZVC Anchors Jo Buena, Arlene Bagadiong, mga reporters ng Bicol Peryodiko, kasama sina DJ Hines, Mr. Vin at DJ Kris ng DZAA FM. Sa ikalawang parte ng okasyong ito, nagkaroon ng sayawan at kasiyahan sa ikaapat na palapag ng nasabing hotel.

2. Rotary Club of Parañaque East Nasa Virac Catanduanes

Sinalubong ng mga empleyado ng Provincial Capitol ng Catanduanes ang mga miyembro ng Rotary Club of Parañaque East noong Nobyembre 6. Dumating sila dakong alas 8 ng umaga sakay ng eroplano kasama si Assec. Cesar Sarmiento. Alas 9 na ng dumating sila sa Governor's Office ng Kapitolyo at binigyan sila ng malugod na pagbati ni Governor Joseph Cua. Bago ang kanilang meeting, nagkaroon muna ng picture taking na ginawa sa loob ng opisina ng Gobernador. Ang mga Rotarians na ito ay tumutuloy sa Marems Pension House sa tapat lamang ng Kapitolyo. hindi pa tiyak kung kailan ang kanilang pagbabalik sa Maynila.

3. Winners ng 1st Catanduanesforum.com Essay Writing and Poster Making Contest Pinarangalan

Labindalawang estudyante mula sa iba't-ibang eskwelahan sa isla, kasama ang kanilang coah ang pinarangalan noong Nobyembre 6. Alas 9 ng umaga, sa Governor's Office. Tumanggap ng Trophy, Certificate of Participation at cash ang bawat winner. Matatandaang ginanap ang pakontest sa Capitol Dome noong Oktubre 27, kung saan ito ay nilahukan ng mga estudyante sa elementarya at high svchool sa buong lalawigan. naging tema ng essay at poster making contest ang "Ang mina at Ang Kalikasan". Ang kumpetisyong ito ay ginawang posible ng kanilang sponsor, ang Catanduanesforum.com website. 90% ng score ay galing sa local juges at 10% ay nagmula sa online voting.

4. Leadership Training At Disaster Mangement Training Inorganisa

Kasama ng mahigit 20 kabataang kalahok, nagkaroon ng Leadership Training and Disaster Management Seminar na pinangunahan ng Red Cross noong Nobyembre 5-6 sa Ibong Sapa, Virac, Catanduanes. Ang mismong lecture at training ay ginawa sa dating Bluewater KTV Bar. Ang seminar na ito ay inorganisa ng CARE and SHARE, sa pangunguna ng kanilang Presidente, Vincent Tacorda, isang organisasyong naglalayong magsilbi sa bayan ng Virac sa oras ng kalamidad o pangangailnagn. Kabilang sa mga binigyang diin sa lecture ang pag track ng typhoon chart, paghahanda at mga dapat gawin sa panahon ng kalamidad.

5. Dental And Medical Mission Isinagawa Ngayon

Ngayong ika 7 ng Nobyembre kasalukuyang ginagawa ang Dental and Medical Mission sa barangay Buyo, Virac. Ito ay nilahukan ng mga Doctor na nag volunteer para dito. Kabilang sa mga makikilahok ay ang Eye Doctor na si Ferdinand Que na balitang mamimigay ng libreng Eye Glasses bilang kointribusyon. Ayon sa balita, ang Medical Mission na ito ay pagbibigay salamat ni Assec. Cesar Sarmiento para sa kanyang kaarawan noong Nobyembre 1. Imbes na maghanda ay ipinagpaliban niya ito upang bumili ng gamot na ipamamahagi sa mga taga Buyo. Inaasahang marami pang susunod na barangay ang mabibigyan ng ganitong serbisyo sa mga susunod pang araw.

ayos

man-uukag's picture

ayos ini djkris maski dai na ako magbakal nin bicol peryodico, tribune & aliwan para maaraman an balita sa isala...

' "... Pagirumdum sa dai nakasiguro: Dakul talam, dakul tala; Diit talam, diit tala; Dai talam, dai tala..." '

Limang (5) mauugmang Balita sa Isla

bordigos's picture

Limang magagayon na balita sa Isla, at ang saro dyan ay ang satuyang CF contest. Salamat Krizsle sa iyong Balitang Isla. Naghihintayu lang kami ng iba mo pang magagandang balita o kahit di lahat maganda basta keeping us informed.
Keep up the good works!

"In God we Trust"