BALITANG PANLALAWIGAN
November 10, 2009
1. Fiesta Sa San Andres Papalapit Na
Tiyak na magiging masaya na naman ang selebrasyon ng Kapistahan ng San Andres sa darating na Nobyembre 30. Inaasahang maraming activities ang pinaghahandaan ngayon ng Municipal Office. Isang interview ang aming gagawin kay Mayor Leo Mendoza upang pag usapan ang kanilang plano sa selebrasyong ito.
2. Naaksidenteng Empleyado Ng Gobernador, Namatay Na!
Noong Nobyembre 2, sakay ng Calixta II biyaheng alas 7 ang isang puting van na nagdala kay Mr. Albert Embanecido, tubong Palta Big, empleyado ng Gobernador, para sa asistensyang medical. Isang nurse, kasama ng pamilya ng biktima ang naghatid sa kanya sa BRTTH ng mainland Bicol. Makalipas ang ilang araw ay binalik muli ito sa isla ng Catanduanes. Namatay ang biktima sa tinamong pinsala sa kanyang ulo, na naging dahilan ng kanyang comatose conditon matapos maaksidente sa motorsiklo noong nakaraang linggo. Dinumog gabi-gabi ang namatay na empleyado ng Gobernador at marami ang dumating upang makiramay sa naiwang pamilya. Walang patid naman ang tulong na binibigay ng kanyang amo, Governor Joseph Cua.
3. Lyzka Templonuevo, Masaya Kaya?
Isang interview ang nakatakdang gawin ng grupo ng DZAA kay Lyzka Camille Templonuevo, estudyante ng CSCLabHS, ang kontrobersyal na winner sa nakalipas na Catanduanesforum.com Essay Writing Contest para sa Secondary Level. Ito ay kaugnay ng mga batikos na ipinupukol sa kanyang artikulo na pinamagatang "Luha Ng Isang Ina" na umano'y taliwas sa tema ng kumpetisyon. Siya ang iprinoklamang champion na tumanggap ng trophy, certificate at cash mula sa sponsor. Bukod lay Lyzka, makakapanayam din natin ang kanyang coach, Madam Josephine Tomagan.
Recent comments
12 hours 45 min ago
3 days 10 hours ago
6 days 18 hours ago
1 week 1 day ago
2 weeks 2 days ago
2 weeks 5 days ago
3 weeks 6 days ago
5 weeks 4 days ago
5 weeks 5 days ago
8 weeks 1 day ago