Ang isang bagay na gusto ng marami nating kababayan marinig sa mga kandidato para pangulo ay kung ano ang kanilang gagawin kay Gloria Arroyo kung sila ang maupo sa Malacañang.
Tinanong ito ni Che-Che Lazaro sa kanyang magkahiwalay na interbyu sa kanyang programang Probe Profiles . Hindi eksakto ang tanong ni Che-Che sa bawat isa ngunit ang kanilang mga sagot:
Manny Villar:
Q: Speaking about the Office of the President, how would you handle GMA?
A: Well, again, sa akin, sinasabi ko kanina, na yan ay trabaho ng judiciary. Kung may magpa-file sa kanya ng charges, she will have to defend herself sa mga charges na yun, sa judiciary natin. Hindi tama na ang pangulo na ang makikialam dyan. Sa judiciary natin.
Q: Would you pardon her? Just in case, she’s convicted ha?
A: Hindi, mahirap naman sagutin mo kaagad yan. Dapat alam mo yung mga circumstances din naman kung mako-convict nga siya o hindi.
Defense Secretary Gilbert Teodoro:
Q: So, if GMA, if cases are filed against her, and you are president, what will you do?
A: You’re not supposed to do anything because there are institutions that are supposed to do that.
Senator Francis Escudero:
Q: Kung masintensyahan si GMA, will you consider pardon? Presidential pardon?
A: Sa ngayon, hindi. At kung saka-sakali man, hayaan nating taong bayan ang magdesisyon kaugnay sa sensitibong bagay na ito. Hindi kahinaan ang pagtanong sa sambayanan ng opinyon nila, partikular sa mga sensitibong bagay na maaaring pagmulan ng kaguluhan. Kabilang na, katulad ng nabanggit ko, ang cha-cha. Kadalasan, ang nagiging problema natin, nagmamarunong ang mga opisyal. Inaangkin nila lahat ng talento, galing at dunong kaugnay sa pagpapasya. Kung saka-sakali, gaya ng sabi ko, hindi, sa ngayon ang sagot ko. Pero bago ko buksan ‘yon, tatanungin ko ang taong bayan kung yan ba ang gusto nila o hindi.
Q: At kung sabihin nilang gusto nilang ipardon si presidente?
A: Yun ang gagawin ko. Kung anuman ang sabihin ng mas nakararami. Sa isang demokrasya, iisa lamang ang batas na dapat mong sundin–kung ano ang boses at ninanais ng mayorya. Trabaho siguro natin na hubugin, giyahan kung ano yung magiging opinyon na yun. Pero, anuman ang kanilang isaboses, dapat igalang at tanggapin natin.
Sen. Benigno Aquino III
Q: Si GMA ba kakasuhan mo?
A: “First of all, I want closure dun sa many issues and she seems to be either directly, peripherally involved in some of these. Having said that, my father did teach me rather that democracy’s test is your ability to defend the rights of your enemies, especially, not just of your friends. Yung paniwala niya, pag pumayag kang may maapi yung isang grupo, eventually lahat ng grupo aapihin. Yung grupo ng lipunan, ano? So kung ayaw mong ikaw na lang ang natitirang aapihin, ay siguraduhin mo sa umpisa pa lang pinagtanggol mo na yung karapatan mo. So, in our system, innocent until proven guilty. I will ensure that she gets all of her rights–people around her, etc, members of this current administration. At the end of the day, I want closure. Yung pasensyahan na lang kung san umabot.”
The Latest from Ellen Tordesillas
pidaso
ipaguyod sa kabayo tapos pidasuhon ang ginhawa ipakaon sa buaya.hehe
care
whoever he/she is... i hope he/she will take care of her... 'care ko man kaan?!?
' "... Pagirumdum sa dai nakasiguro: Dakul talam, dakul tala; Diit talam, diit tala; Dai talam, dai tala..." '