Mapalad ang taong nanatiling tapat sa kabila ng mga pagsubok; sapagkat matapos siyang subukin, tatanggap siya ng putong, Ito'y ang buhay na ipinangako ng Panginoon sa mga umiibig sa kanya. Huwag sabihin ninuman kapag siya'y dumaranas ng pagsubok, na tinutukso siya ng Diyos, sapagkat ang Diyos ay hindi matutukso ng masama, at hindi naman niya tinutukso ang sinuman. Natutukso ang tao kapag siya'y naakit at napatangay sa sariling pita. Kapag ang pita ay tumubo at nag-ugat, nagbubunga ito ng pagkakasala. Kapag lumala ang kasalanan, ito'y nagbubunga ng kamatayan. Huwag kayong padaya, mga kapatid kong minamahal. Bawat kaloob na mabuti at ganap ay buhat sa langit, mula sa Ama na lumikha ng mga tanglaw sa langit. Hindi siya nagbabago, hindi niya tayo iniiwan o binabayaan man sa dilim. Niloob niyang tayo'y maging anak niya sa pamamagitan ng salita ng katotohanan, upang matangi tayo na maging higit sa lahat ng kanyang mga nilalang. (Santiago 1:12-18)...
Recent comments
12 hours 40 min ago
3 days 10 hours ago
6 days 18 hours ago
1 week 1 day ago
2 weeks 2 days ago
2 weeks 5 days ago
3 weeks 6 days ago
5 weeks 4 days ago
5 weeks 5 days ago
8 weeks 1 day ago