25 cents for the mind

junrsb's picture

hello everyone.
Who has been short changed 25 cents or more?
I have.

I had been experiencing this kind of situation at Southstar ( both branches - near the market and near the fountain) as well as in Catanduanes Supermart at San Juan.

Ang kina iinisan ko lang is na yung nagbibigay ng sukli - basta na lamang iaabot sayo yung sukli tapos di ka man lang sabihan na

"ma'am/sir, kulang po kami ng 25 cents. OK lang po ba ?"

o di kaya

"ma'am/sir, pasensya na po . wala kaming 25 cents. Meron po ba kayong 75 cents. Bigayan po namin kayo ng piso"

Di ba sa mga ginagawa nilang yun eh nanloloko na din sila ng tao ? Ika nga kung kayang gawin sa maliliit na bagay eh kaya din gawin sa malalaki ?

Mabuti pa sa Citizen drug - pag kulang sila ng sukli na pera bibigyan ka ng candy. GAnon din sa d Arcilla sa gogon - bibigyan ka nila ng candy.

Minsan bumili ako sa southstar, tapos kulang ng 25 cents ang sukli. Eh di tinawag ko yung pansin ng tindera. Ayun, kumuha ang cashier ng 25 cents at ipina abot sakin. Kita mo na. Meron naman palang panukli na 25 cents eh di pa ibibigay kung di hihingin bg bumibili. Ano man na klaseng ugali ki tawo an ?

kayo po ? anong kwentong 25 cents ninyo ?

ANOTHR 1

junrsb's picture

i went to FICELCO to pay my bills. SAme thing happened. Rounded off to the nearest 1 peso ang singil. Di ko pa kasi nakukuha yung statement of account. ayun. ganto nangyari:

sabi ko sa counter: Magbabayad po.

counter: pangalan, taga saan

ako: blah - blah - taga blah blha

counter: 805.00 pesos ang babayaran mo.

ako: ( kuha ng wallet at kumuha ng pambayad.) eto po.

counter: gets the payment. gives the change.

nung nakuha ko na yung sukli and yung paper na parang resibo o patunay na nagbayad ka, tiningnan ko. Aba, eh di naman pala talaga 805.00 exactly ang babayaran ko. In fact, 804.35 pala. Ayun, di ko alam kung ganun na ba talaga ang kalakaran ngayon.

Sa dami ng mga ganung pangyayari.... parang nakikipaglaro na sakin ang utak ko... ako ba ang may mali ? HMMM... sabi nga sa kanta... di sila pupunta sa langit. hehehe....

I appeal to everyone to be vigilant about this matter. I f we dont let it happen, DAMN, it won't.

Sa lahat na mga nagbibilang ng sukli at nag de demand ng tamang sukli, MABUHAY KAYO. Sa lahat na di pa (o nahihiya pa) , its about time that you go up there and demand your fair share.

Sa LAHAT NA MAG NAGSUSUKLI NG TAMA : MABUHAY KAYO

THE REST who do otherwise I think less of you. Shame.

sentimos lang po ngunit ang

Baraka's picture

sentimos lang po ngunit ang kalakaran ito ay naglalarawan ng kulturang umiiral sa Ficelco.

Kulturang KLEPTOMANYAKIS.

Magmula sa pandarambong sa pamamagitan ng sobrang singil sa mga kunsumidores, hanggan sa pagkupit ng sukling barya - yan po ang kulturang Ficelco.

mabuhay po kayo junrsb!